Study

Grade 8 - Filipino

  •   0%
  •  0     0     0

  • Tukuyin ang panguri na ginamit sa pangungusap at uri nito; Ang matatag na pamilya ay kayamanan na hindi matutumbasan ng anumang salapi.
    matatag / panlarawan
  • Tukuyin ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin ang aspekto nito; Araw-araw na nag-eehersisyo si kuya sa plasa.
    nag-eehersisyo / Imperpektibo
  • Tukuyin ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin ang aspekto nito; Maglalakbay ang aming pamilya sa Baguio sa susunod na buwan.
    Maglalakbay / Kontemplatibo
  • Bakit sinasabing "nagbibigay-kulay" sa mga bagay ang mga salitang naglalarawan?
    Dahil nagiging mas malinaw at makabuluhan ang isang bagay kapag nailalarawan ito.
  • Sa pangungusap na, "Simbilis ng kidlat ang pagtakbo ng magnanakaw," anong uri ng paghahambing ang ipinapahayag?
    Pahambing na Magkatulad
  • Anong uri ng pang-uri ang nagsasaad ng bilang o dami ng pangngalan o panghalip?
    Pamilang
  • Tukuyin ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin ang aspekto nito; Kakakain ko lang ng almusal kaya busog pa ako.
    Kakakain / Perpektibong Katatapos
  • Tukuyin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap at uri nito; Tila uulan mamayang hapon dahil makulimlim ang kalangitan.
    Tila / Pang-agam
  • Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit upang maglarawan ng tao, bagay, pook, o pangyayari?
    Pang-uri / Salitang naglalarawan
  • Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa pangungusap at antas nito; Iyon na yata ang ubod ng lungkot na pelikulang napanood ko sa buong buhay ko.
    Ubod ng lungkot / Pasukdol
  • Tukuyin ang panguri na ginamit sa pangungusap at uri nito; Dalawang oras na naghintay si Ana sa kaniyang mga kaibigan sa labas ng paaralan.
    Dalawang oras / Pamilang
  • Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa pangungusap at antas nito; Ang cellphone ay di-gaanong maganda kumpara sa luma niyang modelo.
    di-gaanong maganda / Pahambing
  • Tukuyin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap at uri nito; Mabilis na tinapos ni Ana ang kanyang takdang-aralin upang makapaglaro sa labas.
    Mabilis / Pamaraan
  • Tukuyin ang panguri na ginamit sa pangungusap at uri nito; Ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng mabuting kalusugan sa mga mamamayan.
    Malinis / Panlarawan
  • Anong aspekto ng pandiwa ang nagsasaad na ang kilos ay natapos na?
    Perpektibo
  • Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa pangungusap at antas nito; Malikhain ang mga Pilipino sa paggawa ng mga obra gamit ang mga materyales na galing sa kalikasan.
    Malikhain / Lantay
  • Alin sa mga sumusunod ang HINDI inilalarawan ng isang pang-abay? a. Pandiwa b. Pangngalan c. Pang-uri d. Kapuwa pang-abay
    Pangngalan
  • Anong panlapi ang karaniwang ginagamit sa pagbuo ng pandiwa sa aspektong Perpektibong Katatapos?
    ka-
  • Tukuyin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap at uri nito; Baka mahuli kami sa klase kung hindi pa tayo aalis ngayon.
    Baka / Pang-agam
  • Sa pangungusap na "Mag-aaral akong mabuti upang magkaroon ng magandang trabaho," anong aspekto ng pandiwa ang ipinapakita ng salitang mag-aaral?
    Kontemplatibo
  • Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa pangungusap at antas nito; Magkasinggaling sa pag-awit sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.
    Magkasinggaling / Pahambing