Anong aspekto ng pandiwa ang nagsasaad na ang kilos ay natapos na?
Perpektibo
10
Anong panlapi ang karaniwang ginagamit sa pagbuo ng pandiwa sa aspektong Perpektibong Katatapos?
ka-
10
Sa pangungusap na "Mag-aaral akong mabuti upang magkaroon ng magandang trabaho," anong aspekto ng pandiwa ang ipinapakita ng salitang mag-aaral?
Kontemplatibo
10
Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit upang maglarawan ng tao, bagay, pook, o pangyayari?
Pang-uri / Salitang naglalarawan
10
Anong uri ng pang-uri ang nagsasaad ng bilang o dami ng pangngalan o panghalip?
Pamilang
10
Bakit sinasabing "nagbibigay-kulay" sa mga bagay ang mga salitang naglalarawan?
Dahil nagiging mas malinaw at makabuluhan ang isang bagay kapag nailalarawan ito.
10
Sa pangungusap na, "Simbilis ng kidlat ang pagtakbo ng magnanakaw," anong uri ng paghahambing ang ipinapahayag?
Pahambing na Magkatulad
10
Alin sa mga sumusunod ang HINDI inilalarawan ng isang pang-abay? a. Pandiwa b. Pangngalan c. Pang-uri d. Kapuwa pang-abay
Pangngalan
10
Tukuyin ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin ang aspekto nito; Araw-araw na nag-eehersisyo si kuya sa plasa.
nag-eehersisyo / Imperpektibo
10
Tukuyin ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin ang aspekto nito; Kakakain ko lang ng almusal kaya busog pa ako.
Kakakain / Perpektibong Katatapos
10
Tukuyin ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin ang aspekto nito; Maglalakbay ang aming pamilya sa Baguio sa susunod na buwan.
Maglalakbay / Kontemplatibo
10
Tukuyin ang panguri na ginamit sa pangungusap at uri nito; Ang matatag na pamilya ay kayamanan na hindi matutumbasan ng anumang salapi.
matatag / panlarawan
10
Tukuyin ang panguri na ginamit sa pangungusap at uri nito; Dalawang oras na naghintay si Ana sa kaniyang mga kaibigan sa labas ng paaralan.
Dalawang oras / Pamilang
10
Tukuyin ang panguri na ginamit sa pangungusap at uri nito; Ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng mabuting kalusugan sa mga mamamayan.
Malinis / Panlarawan
10
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa pangungusap at antas nito; Malikhain ang mga Pilipino sa paggawa ng mga obra gamit ang mga materyales na galing sa kalikasan.
Malikhain / Lantay
10
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa pangungusap at antas nito; Magkasinggaling sa pag-awit sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.