Edit Game
Grade 8 - Filipino
 Delete

Use commas to add multiple tags

 Private  Unlisted  Public



 Save

Delimiter between question and answer:

Tips:

  • No column headers.
  • Each line maps to a question.
  • If the delimiter is used in a question, the question should be surrounded by double quotes: "My, question","My, answer"
  • The first answer in the multiple choice question must be the correct answer.






 Save   21  Close
Tukuyin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap at uri nito; Baka mahuli kami sa klase kung hindi pa tayo aalis ngayon.
Baka / Pang-agam
Tukuyin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap at uri nito; Tila uulan mamayang hapon dahil makulimlim ang kalangitan.
Tila / Pang-agam
Tukuyin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap at uri nito; Mabilis na tinapos ni Ana ang kanyang takdang-aralin upang makapaglaro sa labas.
Mabilis / Pamaraan
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa pangungusap at antas nito; Ang cellphone ay di-gaanong maganda kumpara sa luma niyang modelo.
di-gaanong maganda / Pahambing
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa pangungusap at antas nito; Iyon na yata ang ubod ng lungkot na pelikulang napanood ko sa buong buhay ko.
Ubod ng lungkot / Pasukdol
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa pangungusap at antas nito; Magkasinggaling sa pag-awit sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.
Magkasinggaling / Pahambing
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa pangungusap at antas nito; Malikhain ang mga Pilipino sa paggawa ng mga obra gamit ang mga materyales na galing sa kalikasan.
Malikhain / Lantay
Tukuyin ang panguri na ginamit sa pangungusap at uri nito; Ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng mabuting kalusugan sa mga mamamayan.
Malinis / Panlarawan
Tukuyin ang panguri na ginamit sa pangungusap at uri nito; Dalawang oras na naghintay si Ana sa kaniyang mga kaibigan sa labas ng paaralan.
Dalawang oras / Pamilang
Tukuyin ang panguri na ginamit sa pangungusap at uri nito; Ang matatag na pamilya ay kayamanan na hindi matutumbasan ng anumang salapi.
matatag / panlarawan
Tukuyin ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin ang aspekto nito; Maglalakbay ang aming pamilya sa Baguio sa susunod na buwan.
Maglalakbay / Kontemplatibo
Tukuyin ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin ang aspekto nito; Kakakain ko lang ng almusal kaya busog pa ako.
Kakakain / Perpektibong Katatapos
Tukuyin ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin ang aspekto nito; Araw-araw na nag-eehersisyo si kuya sa plasa.
nag-eehersisyo / Imperpektibo
Alin sa mga sumusunod ang HINDI inilalarawan ng isang pang-abay? a. Pandiwa b. Pangngalan c. Pang-uri d. Kapuwa pang-abay
Pangngalan
Sa pangungusap na, "Simbilis ng kidlat ang pagtakbo ng magnanakaw," anong uri ng paghahambing ang ipinapahayag?
Pahambing na Magkatulad
Bakit sinasabing "nagbibigay-kulay" sa mga bagay ang mga salitang naglalarawan?
Dahil nagiging mas malinaw at makabuluhan ang isang bagay kapag nailalarawan ito.
Anong uri ng pang-uri ang nagsasaad ng bilang o dami ng pangngalan o panghalip?
Pamilang
Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit upang maglarawan ng tao, bagay, pook, o pangyayari?
Pang-uri / Salitang naglalarawan
Sa pangungusap na "Mag-aaral akong mabuti upang magkaroon ng magandang trabaho," anong aspekto ng pandiwa ang ipinapakita ng salitang mag-aaral?
Kontemplatibo
Anong panlapi ang karaniwang ginagamit sa pagbuo ng pandiwa sa aspektong Perpektibong Katatapos?
ka-
Anong aspekto ng pandiwa ang nagsasaad na ang kilos ay natapos na?
Perpektibo