Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita upang maging madulas ang pagbasa rito.
pang-angkop
Ito ay isang ulat na naglalaman ng mga bagong impormasyon tungkol sa isang pangyayari sa loob at labas ng bansa.
balita
Sa pagsulat ng tuwirang balita o straight news ay sinusunod ang inverted pyramid style kung saan ang unang talata ay naglalaman na ng mabibigat na impormasyon. ( Tama o Mali )
tama
Ito ay mga babasahing walang katotohanan, kathang isip, o gawa-gawa lamang.
piksiyon
Marami siyang natutunan sa nangyari. Ang salitang-ugat ng salitang may diin sa pangungusap ay "tuto".( Tama o Mali )
tama
Ang magbasa, paalis, naglaba, umiyak,umawit ay halimbawa ng panlapi na _____.
unlapi
Kapag ang panlapi ay ikinakabit sa gitnang bahagi ng salitang-ugat gaya ng -um- sa gumawa, ito ay tinatawag na ______________________.
gitlapi
Ang salitang-ugat ay ang orihinal na pinagmulan ng mga salita samantalang ang panlapi ay ang ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. ( Tama o mali )
tama
Sa pagsulat ng Balitang Isport, laging nasa huling talata ang resulta ng laro na siyang pumupukaw o umaakit sa mambabasa. ( tama o mali )
mali
Madalas tawagin ni G. Ramirez si Santino upang magbasa ng panuto. Ang salitang-ugat ng salitang may diin sa pangungusap ay "-in".( Tama o Mali )
mali
Ang Balitang Isport ay isang pagpapahayag ng mga balitang may kaugnay sa mga pangyayari sa mundo ng pampalakasan. ( Tama o Mali )
tama
Ang kabilaan ay kapag mayroong panlapi sa unahan,gitna at hulihan. ( Tama o Mali )
mali
Ang pang-angkop na ito ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
na
Ito ay isang ulat na naglalaman ng mga bagong impormasyon tungkol sa isang pangyayari sa loob at labas ng bansa. (Tama o Mali )
mali
Ito ay mga babasahing tungkol sa mga tunay na tao at mga tunay na pangyayari.
di-piksiyon
Sa pagsulat ng Balitang Isport, kung ang laro ay labanan ng koponan/team, huwag kalimutang banggitin ang nagpanalo sa laro at ipakita rin kung bakit hindi nanalo ang isang koponan. ( tama o mali )
tama
Ang pang-angkop na ito ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at n.
-ng
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.