Study

Filipino - Grade 1

  •   0%
  •  0     0     0

  • Ibinigay ko ang bulaklak sa aking nanay. Ang bulaklak ay (kaniya/kanila). Ano ang tamang salita?
    Ibinigay ko ang bulaklak sa aking nanay. Ang bulaklak ay kaniya.
  • Tingnan ang larawan. Ano ang unang nangyari?
    Nakakita ang bata ng mga bulaklak.
  • Tingnan ang larawan at gumawa ng kuwento na may wakas.
    Isang araw, may kinakain akong biskwit. Napansin ko na nagugutom ang kaibigan kong si Tina. Binigyan ko siya ng biskwit at kumain kami.
  • Tingnan ang larawan. Ano ang huling nangyari?
    Ibinigay ng bata ang binili niyang bulaklak sa kaniyang nanay.
  • Ang pangalan ko ay Art. (Ako/Siya) ay isang pintor. Ano ang tamang panghalip?
    Ang pangalan ko ay Art. Ako ay isang pintor.
  • Ako at si Tina ay magkaibigan. (Kami/ Sila) ay masaya. Ano ang tamang salita?
    Ako at si Tina ay magkaibigan. Kami ay masaya.
  • Nakakita ng pusa sa taas ng puno si Matt. Tinawag niya ang kaniyang Tito Tony upang kunin ito. Ano ang katangian ni Matt?
    Mga sagot: mabait, matulungin
  • Tingnan ang larawan, Ano kaya ang wakas ng kuwentong ito?
    Hinanap ng bata ang may-ari sa pusa.
  • (Ako/Kami) ay mga mag-aaral. Ano ang tamang salita?
    Kami
  • Si Ana ay nakakita ng mga bulaklak. "Ang bango!" Bumili siya ng isang bungkos ng bulaklak. Ano kaya ang nangyari pagkatapos nito?
    Binigay ni Ana ang bulaklak sa kaniyang Nanay.
  • Ito ay si Letty at si Tina. (Siya/Sila) ay magkaibigan. Ano ang tamang salita?
    Ito ay si Letty at si Tina. Sila ay magkaibigan.
  • Ito ay si Chef Melt. Gumawa ng pangungusap na may pang-uri na naglalarawan sa kaniya.
    Halimbawa: Ang chef ay magaling magluto. Ang suot niya ay puti.
  • Ang tatay ko ay isang chef. (Siya/ Sila) ay isang chef. Ano ang tamang salita?
    Ang tatay ko ay isang chef. Siya ay isang chef.
  • Tingnan ang larawan at gumawa ng maikling kuwento.
    Si Nina ay nagpaalam sa kaniyang magulang bago pumasok sa paaralan. Sumakay siya ng school bus. Nang hapon na, siya ay umuwi na sa bahay.
  • Sina Letty at Tina ay magkaibigan. Binigyan ni Letty si Tina ng biskwit. Ano ang katangian ni Letty?
    mabait, matulungin, mapagmahal sa kaibigan
  • Magkasama (kami/ako) ng aking nanay. Ano ang tamang salita?
    Magkasama kami ng aking nanay.
  • Ito ay si Art. Isa siyang pintor. Gumawa ng pangungusap na may pang-uri na naglalarawan kay Art.
    Halimbawa: Si Art ay nakasuot ng asul na damit. Makulay ang mga ginuguhit ni Art.
  • Gumawa ng pangungusap na may pang-uri o salitang naglalarawan tungkol sa larawan.
    Halimbawa: Ang robot ay pula. Ang trak ay malaki. Ang oso ay malambot.
  • Tingnan ang larawan at gumawa ng maikling kuwento.
    Nakakita ng pusa sa taas ng puno si Matt. Tinawag niya ang kaniyang Tito Tony upang kunin ito. Hinanap ni Matt ang may-ari sa pusa.
  • Ito ay mga laruan ko. Ang mga laruan na ito ay sa (iyo/akin). Ano ang tamang salita?
    Ito ay mga laruan ko. Ang mga laruan na ito ay sa akin.
  • Ang Nanay ko ay maganda. Ano ang pang-uri?
    maganda
  • Tingnan ang larawan at gumawa ng pangungusap na may pang-uri o salitang naglalarawan.
    Halimbawa: Ang mga bata ay matalino. Sila ay masaya.
  • Maraming laruan si Ivy. Mayroon siyang robot na pula, malambot na oso, magandang manyika, trak na mabilis tumakbo, at penguin na kulay itim. Anu-ano ang mga pang-uri?
    marami, pula, malambot, maganda, itim
  • Ito ay sina Letty at Tina. Gumawa ng pangungusap na may pang-uri o salitang naglalarawan.
    Halimbawa: Sila ang masaya. Sila ay maganda. Sila ay mabait.