Study

HULAAN MO

  •   0%
  •  0     0     0

  • Anong bagay ang ginagawa ng manggagawa pero di niya ginagamit? Na siyang binibili rin ng bumili pero di niya rin gagamit? Na siyang gagamitin ng gumamit pero di niya nakikita?
    Kabaong
  • Anong bagay ang bibilhin mo ng kulay itim, gagamitin mo ng kulay pula, at itatapon mo na kulay puti?
    Uling
  • Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo.
    Aso
  • Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong puwesto. Anong pwesto mo na ngayon?
    Ikatlo
  • Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
    Kalendaryo
  • Ang nanay ni Junior ay mayroong apat na anak. Ang unang anak ay pinangalanang April. Ang ikalawa naman ay May. Ang ikatlo ay tinawag na si June. Ano ang pangalan ng ikaapat?
    Junior
  • Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
    Baril
  • Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC ay naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?
    Naglalaro ng chess kasama ni KC
  • Buto’t balat lumilipad.
    Saranggola
  • Likidong itim, pangkulay sa lutuin.
    Toyo