Ipinagdiriwang ito ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) na kung saan kumakain ng tinapay at umiinom ng katas ng ubas bilang paggunita sa katawan at dugo ni Cristo.
Santa Cena at Araw ng Pasasalamat
Saang lungsod sa NCR matatagpuan ang Folk Arts Theater o mas kilala sa tawag na "Tanghalang Francisco Balagtas"
Lungsod ng Pasay
Di-materyal o Materyal: Kasuotan
Materyal
Tinatawag siyang “Utak ng Katipunan” dahil sa kanyang talino.
Emilio Jacinto
Sa mga araw na ito nagsisindi tayo ng kandila sa puntod ng mga yumao, nag-aalay ng mga bulaklak at ipinagdarasal ang kanilang kaluluwa.
Undas o Araw ng mga Patay
Ipinagdiriwang ito ng mga Muslim na tumatagal hanggang 29 o 30.
Ramadan
Paano maipakikita ang malugod na pagtanggap sa bisita?
Bigyan ng mauupuan, maiinom at makakain.
Kilala sa bansag na “Tandang Sora”
Melchora Aquino
Materyal o Di-materyal na kultura: wika
Di-materyal na kultura
Ito ay uri ng kultura na tumutukoy sa mga pisikal na bagay, mga mapagkukunan, at ginagamit ng mga tao sa pamumuhay.
Materyal na Kultura
Ano ang ibig sabihin ng materyal na kultura?
Ito ay tumutukoy sa pisikal na bagay na nakikita at nahahawakan.
Ano ang ibig sabihin ng bayanihan?
Pagtutulungan o pagkakaisa
Siya ang tinaguriang "Ama ng wikang Pambansa"
Manuel L. Quezon
Ang simbahang ito ay naiiba dahil yari ito sa asero at kabilang sa itinanghal bilang World Heritage Site ng UNESCO.
Minor Basilica ng San Sebastian
Ito ang pinakamatandang Pamantasan sa Asya.
University of Santo Tomas (UST)
Siya ang Raha o pinuno ng Tondo noon na lumaban sa mga kastila.
Raha Lakandula
Ano ang dalawang uri ng klimang nararanasan sa rehiyong NCR?
tag-init at tag-ulan
Saang lungsod sa NCR ipinagdiriwang ang Pangisdaan Festival bilang paggunita sa pagkatatag ng sariling lungsod?
Lungsod Navotas
Ito ay mga gawain na may kaugnayan sa mga paniniwala ng tao.
Tradisyon
Paano mo maipakikita ang paggalang?
Paggamit ng "po" at "opo", pagmamano
Ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar.
Kultura
Anong kaugalian ang inilalarawan: Sama-samang kumakain tuwing may kaarawan sa miyembro ng pamilya.
pagsasalo-salo
Anong tradisyon o pagdiriwang ang idinaraos tuwing ika-9 ng Enero sa Lungsod Maynila?
Pista ng itim na Nazareno
Ito ay tumutukoy sa mga pamantayan ng lipunan tungkol sa tama o maling gawi.
Pagpapahalaga
Ito ay tumutukoy sa mga alituntunin, regulasyon, at patakaran na ipinatutupad sa lipunan.
Mga Batas
Ito ang inaasahang pag-uugali ng mga pangkat ng tao.
Kaugalian
Saang lungsod matatagpuan ang La Mesa Eco Park?
Lungsod ng Quezon
Materyal o Di-materyal na kultura: Awit
D-materyal na kultura
Siya ang nagtatag KKK at kalaunan ay naging Supremo nito.
Andres Bonifacio
Ito ay aspekto ng kultura na tumutukoy sa mga ideya, pananaw, at saloobin ng mga pangkat ng tao tungkol sa lipunan.
Paniniwala
Ito ay uri ng kultura na tumutukoy sa mga ideya ng tao tungkol sa kanilang kultura.
Di-materyal na Kultura
Kinilala siya bilang “Lakambini ng Katipunan at Himagsikan.”
Gregoria de Jesus
Saang lungsod sa NCR ipinagdiriwang ang Sapatos Festival?
Lungsod Marikina
Ginugunita ito ng mga Kristiyano uwing Marso o Abril bilang pag-alala sa paghihirap at pagkamatay ni Hesukristo sa krus.
Mahal na Araw
Anong kaugalian ang inilalarawan: Pagbibigay ng tulong kung may namatayan o krisis
pakikiramay
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.