Isinasagawa sa Lucban, Quezon upang pasalamatan ng mga magsasaka ang kanilang patron na si San Isidro Labrador para sa masaganang ani.
Pahiyas Festival
Ito ay pagdiriwang sa Pilipinas na isinasagawa sa Marinduque tuwing Semana Santa o Mahal na Araw.
Moriones Festival
Isinasagawa ito tuwing Marso upang gunitain ang pagkakatatag ng Bukidnon.
Kaamulan Festival
Idinaraos ito sa Baguio City tuwing buwan ng Pebrero.
Panagbenga Festival
Sa lalawigan ng Angono sa Rizal ipinagdiriwang ito tuwing Nobyembre 23 bilang pasasalamat sa patron ng mga mangingisda na si San Clemente.
Higantes Festival
Isinasagawa tuwing unang Linggo ng Hulyo sa Bocaue sa Bulacan bilang pasasalamat sa patron ng bayan na si San Francisco ng Assisi.
Pagoda Festival
Ipinagdiriwang ito tuwing Enero sa Kalibo, Aklan bilang parangal sa Sto. Niño. Ang mga lumalahok sa nakikilahok sa pista ay nagpapahid ng uling sa buong katawan at sumasayaw sa kalye.
Ati-atihan Festival
Ipinagdiriwang ang araw ng pagkakatatag ng South Cotabato tuwing Hulyo.
T'nalak Festival
Isinasagawa ito tuwing ikatlong Linggo ng Enero sa Cebu City. Pinarangalan nito ang patron ng lungsod, ang Sto. Niño.
Sinulog Festival
Idinaraos ito sa Tacloban City sa Leyte tuwing ika-29 ng Hunyo bilang parangal sa Sto. Niño.
Pintados-Kasadyaan Festival
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.