Study

MATATALINHAGANG PAHAYAG

  •   0%
  •  0     0     0

  • Ito ang tayutay na naghahambing sa dalawang magkaibang tao, hayop, bagay at pangyayari. Gumagamit ng mga salitang tila, parang, mistula, wangis, kapara o mala. SIMILI
    pagtutulad
  • Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa mga problema.
    pagtawag
  • Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.
    pagputi ng uwak - walang maaasahan, walang kahihinatnan
  • Hinalikan ako ng malamig na hangin
    Personipikasyon
  • Ito naman ang tiyak o tuwirang paghahambing ngunit hindi na kailangang gamitan ng pangatnig sa pangungusap. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Tinatawag din ito
    pagwawangis
  • Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit ipinamalita niya ang pagtatapat sa kanyang lihim ng matalik niyanng kaibigan.
    pagtanggi
  • Ano ang tayutay?
    malikhaing pagpapahayag
  • Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan.
    Pagtutulad
  • Ang aking ina ay may kapilas ng buhay. Tukuyin ang idyoma at kahulugan nito
    kapilas ng buhay – asawa
  • Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato. Tukuyin ang idyoma at kahulugan
    itaga sa bato - tandaan
  • Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana. tukuyin ang idyoma at kahulugan
    magdilang-anghel - magkatotoo sana
  • Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
    pagtutulad
  • "Dati silang magkaaway ngayon, hindi na mapaghihiwalay ang magkahiramang suklay na sina Ate Alex at Ate Kris. Tukuyin ang idyoma at tayutay sa pangungusap
    Kahiramang suklay - matalik na kaibigan
  • Isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng damdamin o mangutya ngunit ito’y itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri. Tinatawag din itong irony sa Ingles.
    pag-uyam
  • Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.
    di makabasag-pinggan - mahinhin
  • Kumakalembang na ang kampana sa simbahan.
    paghihimig
  • Nakangiti ang langit kapag ikaw ay nasa aking tabi.
    personipikasyon
  • MAGBIGAY NG HALIMBAWA NG PAGMAMALABIS.
    MAGALING!
  • "Nagsusunog ng kilay ang kapitbahay dahil kukuha siya ng CPA board exam."
    Nagsusunog ng kilay - nag-aaral nang mabuti
  • Ang mahabang buhok ni Kristina ay sinlambot at sindulas ng seda.
    pagtutulad
  • Ang pag-ibig ko sa iyo ay lansones na malasa.
    metapora
  • Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko. tukuyin ang idyoma at kahulugan
    tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob
  • Magbigay ng pangungusap na gumagamit ng paglilipat-saklaw
    pangungusap
  • Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
    onomatopeya
  • Tila may daga sa dibdib si Alison habang umaawit sa entablado.
    pagtutulad
  • Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay.
    pagwawangis
  • Nagbibigay-buhay o nagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay na walang buhay o hindi tao.
    Personipikasyon
  • Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli. Tukuyin ang idyoma at kahulugan
    malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya kawatan
  • Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
    Paghihimig
  • Ikrus sa noo mo na akong bahala sa iyo. Tukuyin ang idyoma at kahulugan
    ikurus sa noo – tandaan
  • Ang pag-iisang dibdib nina Adila at Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon. tukuyin ang idyoma at kahulugan
    pagiisang dibdib - kasal
  • “Salamin, salamin, sabihin sa akin, ako ang pinakamaganda sa lahat”
    Pagtawag
  • "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."
    alilang-kanin - utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
  • Mahal na Haring araw, bigyan mo ng kaliwanagan ang aking isip
    pagtawag
  • Gumagamit ang pagpapahayag ng salitang “hindi” upang maipahiwatig ang lalong makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.
    pagtanggi
  • "Kung hindi maganda ang ugnayan natin sa mga karatig bansa, mawawala ang mga BPO at darami ang mga nagbibilang ng poste." Tukuyin ang idyoma at kahulugan nito
    Nagbibilang ng poste - walang trabaho
  • Tiyak o tuwirang paghahambing; HINDI na gumagamit ng mga salitang tulad ng tila, wangis, parang at iba pa.
    Metapora
  • Abot langit ang kanyang ngiti ng makakuha ng EE sa gawain.
    eksaherasyon
  • Tukuyin kung anong uri ng tuyutay ang pahayag na sumusunod: Ang ganda ng kamay mo, parang aspalto.
    pag-uyam
  • Hiningi ni Carl ang kamay ng dalaga.
    paglilipat saklaw
  • O, tukso layuan mo ako.
    pagtawag