Ang guro ay (nagbabasa) ng libro. (Katawanin o Palipat)
Palipat
(Ilan, Ilan-Ilan) ang lapis na binili?
Ilan
Hanapin ang panghalip panaklaw na ginamit sa pangungusap. Ang lahat ay natutuwa sa pagkamagalang ni Cara.
lahat
(Iinom) ako ng gamot para gumaling ako. (Aspektong Pangnagdaan, Aspektong Pangkasalukuyan, Aspektong Panghinaharap)
Aspektong Panghinaharap
Hanapin ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap. Doon tayo tumayo para maganda ang ritrato na makuha mo.
Doon
(Hiniram) ni Elise ang aklat ko. (Aspektong Pangnagdaan, Aspektong Pangkasalukuyan, Aspektong Panghinaharap)
Aspektong Pangnagdaan
Hanapin ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap. Mayroong kasaba keyk na binebenta riyan.
riyan
Galit na (tumahol) ang aming alagang aso. (Katawanin o Palipat)
Katawanin
Sino ang (sumagot) ng telepono? (Aspektong Pangnagdaan, Aspektong Pangkasalukuyan, Aspektong Panghinaharap)
Aspektong Pangnagdaan
Si Andrea ay masayang (yumakap) sa kanyang ina. (Katawanin o Palipat)
Katawanin
Ito ang takip o cover ng aklat. Karaniwan itong may matingkad nalarawan upang makatawag ng pansin ng mambabasa. (Bakanteng Dahon o Pabalat)
Pabalat
Hanapin ang panghalip panaklaw na ginamit sa pangungusap. Alinman ang gusto mo, iyon din ang sa akin.
Alinman
(Hinahatid) kami ni Tatay Randy sa paaralan tuwing may pasok. (Aspektong Pangnagdaan, Aspektong Pangkasalukuyan, Aspektong Panghinaharap)
Aspektong Pangkasalukuyan
Makikita rito ang pahina ng bawat paksang tatalakayin sa aklat. (Indeks o Talaan ng Nilalaman)
Talaan ng Nilalaman
Hanapin ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap. Dito ka umupo sa tabi ko para magkausap tayo.
Dito
(Saan, Saan-saan) makabibili ng hipon?
Saan
Hanapin ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap. Ang ibang sangkap niyan ay mula sa ibang lalawigan.
niyan
(Sino, Sino-sino) ang guro natin ngayong taon?
Sino
Hanapin ang panghalip panaklaw na ginamit sa pangungusap. Walang sinuman ang makapipigil sa akin
sinuman
Ito ang nagsisilbing proteksiyon ng susunod na pahina kung ang takip ng aklat ay masira. Ang bahaging ito ay maaaring lagyan o sulatan ng personal na impormasyon gaya ng pangalan o dedikasyon. (Bakanteng Dahon o Pabalat)
Bakanteng Dahon
Hanapin ang panghalip panaklaw na ginamit sa pangungusap. Nasaan ang iba?
iba
(Nagmano) ang mga mag-aaral sa guro. (Katawanin o Palipat)
Katawanin
(Ano, Ano-ano) ang iyong mga dala?
Ano-ano
Nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang mga mahahalagang impormasyon. (Bibliograpiya o Katawan ng AKlat)
Bibliograpiya
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.