Study

REVIEW GAME DAY 1

  •   0%
  •  0     0     0

  • Ito ay isa sa mga BATAYAN ng isang matalinong desisyon na tumutukoy sa pagsusuri ng karagdagang halaga maging ito man ay gastos o kapakinabangan sa mga gagawing desisyon.
    MARGINAL THINKING
  • Ito ang tawag sa taong bumibimili at kumokonsumo ng mga produkto ay serbisyo
    KONSYUMER/ CONSUMER
  • Ito ay kabilang sa mahahalagang kaisipan sa pag-aaral ng Ekonomiks na kung saan, ang paggamit ng mga pinagkukunang yaman nang hindi nanganganib ang kakayahan ng susunod na henerasyon na tugunan ito
    SUSTAINABILITY
  • Ito ang tawag sa mga taong Gumagawa o nagbebenta ng mga produkto at serbisyo
    PRODUCER/ PRODYUSER
  • Ito ay isa sa mga BATAYAN ng isang matalinong desisyon na tumutukoy sa halaga ng bagay na hindi napili o nakamit.
    OPPORTUNITY COST
  • Ito ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano mapamamahalaan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng limitadong pinagkukunang yaman.
    EKONOMIKS/ ECONOMICS
  • Ito ay yaman na di napapalitan sa natural na pamamaraan o inaabot ng mahabang panahon bago ito mapalitan.
    NON-RENEWABLE RESOURCES
  • Ito ang tawag sa pagbili o paggamit ng mga produkto at serbisyo.
    PAGKONSUMO/ CONSUMPTION
  • Ito ay pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto
    SHORTAGE/ KAKULANGAN
  • Ito ay yaman na maaring palitan sa natural na paraan tulad ng pagsasaka. Bagamat na maaari itong palitan darating ang panahon na ito ay mauubos kaya maituturing na ito ay limitado din.
    RENEWABLE RESOURCES
  • Ibigay ang hinihingi sa Apat na pangunahing katanungang pangekonomiya: 25 kilos na bigas, 3 kahon ng Facemask at 3 gallon ng alcohol ang ipinamimigay na ayuda ni Mayora
    GAANO KARAMI ANG PRODUKTO/ SERBISYO ANG GAGAWIN
  • Ito ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang yaman habang walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
    KAKAPUSAN/ SCARCITY
  • Ito ay isa sa mga BATAYAN ng isang matalinong desisyon na tumutukoy sa pagkakamit ng kapakinabangan sa pagpili ng isang bagay na tinatawag ding benefit.
    INCENTIVE
  • Ito ay isa sa mahahalagang kaisipan sa pag-aaral ng Ekonomiks na tumutukoy sa masinop na paggamit sa mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
    EFFICIENCY
  • Ang proseso ng pagsasama-sama ng mga input o hilaw na materyales upang makabuo ng tapos na produkto.
    PRODUKSIYON/ PRODUCTION
  • Ito ay isang SANGAY ng ekonomiks na tumutukoy sa maliliit na yunit ng ekonomiya tulad ng kilos at galaw ng konsyumer at prodyuser at distribusyon ng kita ng bawat tao
    MICROECONOMIKS/ MAYKROEKONOMIKS
  • Ang Ekonomiks ay nag mula sa salitang Griyego na _____?
    OIKONOMIA
  • Sektor na responsable sa pagsasama sama ng mga salik ng produksiyon tulad ng mga pabrika at warehouse.
    BAHAY-KALAKAL
  • Ito ay sektor na binubuo ng lahat ng tao na naglalayon na matugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan
    SAMBAHAYAN
  • Ito ay isang SANGAY ng ekonomiks na tumutukoy sa malalaking na yunit ng ekonomiya na nakatuon sa kilos at galaw ng ekonomiya ng bansa, pambansang produksiyon at pambansang budget.
    MACROECONOMIKS/ MAYKROEKONOMIKS
  • Ibigay ang hinihingi sa Apat na pangunahing katanungang pangekonomiya: Ang Computer, Cellphone, Tablet ay mga bagay na kailangan ng mag-aaral sa online class
    ANO ANG PRODUKTO/ SERBISYO ANG GAGAWIN?
  • Modelo na nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga salik upang makalikha ng produkto
    PRODUCTION POSSIBILITIES FRONTIER
  • Ito ay isa sa mga BATAYAN ng isang matalinong desisyon na ang tao ang pumipili o nagsasakripisyo ng isang bagay sa kabila ng napakaraming choices.
    TRADE-OFF
  • Ito ay kabilang sa mahahalagang kaisipan sa pag-aaral ng Ekonomiks na kung saan, ito ay tumutukoy sa makatwiran at may karampatang distribusyon ng pinagkukunang-yaman para sa lahat ng tao.
    EQUITY