Masakit ang braso niya sa kalalampaso ng tubig sa sahig. Aling salita ang may kambal- katinig na ginamit sa pahayag?
braso (br)
Ano ang tawag sa awiting tungkol sa pag-ibig? (nagsisimula sa titi "k")
kundiman
Unawain ang bugtong. "Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo." (C: sa gabi makikita)
buwan
Unawain ang bugtong. "Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay." (C: bagay)
kandila
Kung ang Japan ay Lupain ng Sumisikat na Araw, ano naman ang bansag sa Pilipinas?
Perlas ng Silanganan (Pearl of the Orient Seas)
Isang kapuri-puring kaugalian ng mga Filipino na maramihang pagtutulungan para sa anumang gawain tulad ng paglilipat ng bahay.
bayanihan
Magbigay ng isang pangungusap na may pag-uri.
(depende sa mag-aaral)
Buuin ang sawikain. "Kung ano ang _______, siya ang bunga."
puno
Buuin ang kahulugan ng titik sa larawan. Kataas-taasang Kagalagang-galangang___________?
Kataas-taasang Kagalagang-galangang Katipunan
Ano ang salin sa Filipino ng salitang "ballpen"? (Ito ay ginamit sa panahon ng mga Kastila.)
pluma
Isang uri ng panitikan na ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop na mula sa imahinasyon ng manunulat na siyang kinagigiliwan at kinapupulutan ng aral ng mga kabataan.
pabula
Buuin ang pangungusap. "Pupunta ____ sa Ayala Mall tiya Adele."
rin
Kanino inalay ni Jose Rizal ang nobelang "El Filibusterismo"? (C: pari)
Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora (GomBurZa)
Magbigay ng kasingkahulugan ng salitang "matalino".
marunong, maalam
Ito ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali. Ito ay karaniwang naglalaman ng hindi kapanipaniwalang pangyayari.
epiko
Kapag ikaw ay may 6 na kapatid na babae at 6 na kapatid na lalaki, ilan kayong magkakapatid?
13
Ano ang ibig sabihin ng sawikaing, "ilaw ng tahanan"?
nanay, inay, ina
Anong bahagi ng pananalita ang naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay.
pang-abay
Sino ang may pinakabusilak na puso sa tatlong prinsipe ng kaharian? (Ibong Adarna)
DON JUAN (Don Pedro at Don Diego)
Ano ang naging palayaw ni Jose Rizal?
Pepe
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.