Gumawa ang isang guro ng teksto na naglalaman ng layunin, kagamitan, at sunod-sunod na hakbang sa paggawa ng pananaliksik. Anong uri ng teksto ito?
Tekstong Prosidyural
Isang akda ang naglalarawan sa isang karakter base sa pisikal at emosyonal na katangian. Anong uri ng teksto ito?
Tekstong Deskriptibo
Isang babasahin ang naglalaman ng kahulugan ng cyberbullying, mga uri nito, at estadistika ng mga biktima sa Pilipinas. Ano ang pangunahing uri ng teksto?
Tekstong Impormatibo
18. Isang talumpati ang sadyang dinisenyo upang baguhin ang saloobin ng tagapakinig gamit ang emosyon at lohika. Anong uri ng teksto ito?
Tekstong Persuweysib
13. Isang kampanya ang gumagamit ng matitinding pahayag at ebidensya upang mahikayat ang kabataan na umiwas sa bisyo. Anong uri ng teksto ito?
Tekstong Persuweysib
14. Inilalarawan ng akda ang isang lugar nang walang banghay o pangyayari, kundi puro detalye lamang. Anong uri ng teksto ito?
Tekstong Deskriptibo
11. Isang sanaysay ang nagkukuwento ng personal na karanasan upang magbigay-aral sa mambabasa. Anong uri ng teksto ang ginamit?
Tekstong Naratibo
8. Gumamit ang isang manunulat ng mga salitang “dapat,” “nararapat,” at “kailangan” upang baguhin ang desisyon ng mambabasa. Anong uri ng teksto ito?
Tekstong Persuweysib
15. Isang handout ang nagtuturo ng wastong paraan ng paggamit ng laboratory equipment upang maiwasan ang aksidente. Anong uri ng teksto ito?
Tekstong Prosidyural
Inilalarawan ng isang akda ang loob ng silid-aralan gamit ang detalyadong pandama upang maramdaman ng mambabasa ang kapaligiran. Anong uri ng teksto ang ginamit?
Tekstong Deskriptibo
3. Isang sanaysay ang gumagamit ng emosyonal na kuwento at lohikal na paliwanag upang hikayatin ang mambabasa na suportahan ang mental health programs. Anong uri ng teksto ito?
Tekstong Persuweysib
12. Ang teksto ay naglalaman ng depinisyon, halimbawa, at teknikal na paliwanag tungkol sa artificial intelligence. Ano ang uri ng teksto?
Tekstong Impormatibo
10. Ang isang module ay nagbibigay ng malinaw na hakbang kung paano gumawa ng business plan para sa Tech-Voc students. Anong uri ng teksto ito?
Tekstong Prosidyural
7. Ang isang artikulo ay nagpapaliwanag ng proseso ng climate change gamit ang sanhi at bunga ngunit walang layong manghikayat. Ano ang uri ng teksto?
Tekstong Impormatibo
May isang artikulo na nagsasalaysay ng karanasan ng isang magsasaka sa gitna ng El Niño, ngunit may kasamang paliwanag ng datos at sanhi ng tagtuyot. Kung ang pokus ng teksto ay ang karanasan ng tauhan, anong uri ng teksto ito?
Tekstong Naratibo
9. Isang akda ang masusing naglalarawan sa itsura, amoy, at tunog ng palengke sa umaga. Anong uri ng teksto ang nangingibabaw?
Tekstong Deskriptibo
6. Isang kwento ang naglalahad ng pagbabago ng pananaw ng pangunahing tauhan matapos ang isang mabigat na pagsubok. Ano ang uri ng teksto batay sa layunin nito?
Tekstong Naratibo
20. Isang teksto ang nagbibigay ng malinaw na gabay mula umpisa hanggang dulo upang makabuo ng isang produkto. Anong uri ng teksto ito?
Tekstong Prosidyural
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.