Study

Salitang Naglalarawan sa Panahon at Pinangyariha ...

  •   0%
  •  0     0     0

  • Ngayon sana kami magkikita ng aking matalik na kaibigan sa parke ngunit bigla na lamang siyang nagkasakit.
    ngayon (panahon), parke (pinangyarihan)
  • Kanina, kinuha ni nanay ang aking selpon sa kabinet upang makapag-aral ako nang mabuti.
    kanina (panahon), sa kabinet (pinangyarihan)
  • Noong nakarang linggo, nakulong ang aming kapitbahay dahil sa pagtatapon ng basura sa kanal.
    nakaraang linggo (panahon), kanal (pinangyarihan)
  • Inilagay ko sa loob ng aparador ang mga pagkaing de-lata kahapon.
    sa loob ng aparador (pinangyarihan), kahapon (panahon)
  • Si Kuya Cardo ay namimili sa palengke tuwing Sabado.
    palengke (pinangyarihan), Sabado (panahon)
  • Tuwing nagluluto si nanay sa kusina, ang mahalimuyak nitong bango ay abot hanggang kinabukasan.
    kusina (pinangyarihan), kinabukasan (panahon)
  • Araw-araw kaming tumawid sa lumang tulay.
    araw-araw (panahon), sa lumang tulay (pinangyarihan)
  • Lumangoy sila sa malaking lawa tuwing gabi.
    lawa (pinangyarihan), gabi (panahon)
  • Araw-araw siyang nakikinig ng radyo sa tabi ng sapa.
    araw-araw (panahon), sapa (pinangyarihan)
  • Gabi-gabing nag-eensayo ng tinikling ang pangkat ni Raven sa entablado.
    gabi-gabi (panahon), sa entablado (pinangyarihan)
  • Ang aking tatay ay pumapasok sa opisina araw-araw.
    opisina (pinangyarihan), araw-araw (panahon)
  • Aalis maya-maya ang bus sa Pasay na papuntang Bikol.
    maya-maya (panahon), Pasay (pinangyarihan)
  • Manonood kami ng sine sa mall ngayong darating na Linggo.
    mall (pinangyarihan), ngayong darating na Linggo (panahon)
  • Si Tatay Armando ay nag-aararo sa bukid tuwing tag-ulan.
    sa bukid (pinangyarihan), tag-ulan (panahon)
  • Noong umaga, dinala sa klinik ang mag-aaral na nahilo habang naglalaro.
    noong umaga (panahon), klinik (pinangyarihan)
  • Minu-minuto, nagpapaalala ang aming guro na bawal mag-ingay sa silid-aklatan.
    minu-minuto (panahon), silid-aklatan (pinangyarihan)
  • Kanina, nakita ko si Pedro na pumasok sa silid-aklatan upang mag-aral.
    kanina (panahon), sa silid-aklatan (pinangyarihan)
  • Dumating kagabi sa aming tahanan ang aking amang sundalo.
    kagabi (panahon), tahanan (pinangyarihan)
  • Noon ay palagi kaming naglalaro nina nanay at tatay sa palaruan.
    noon (panahon), palaruan (pinangyarihan)
  • Binasa ni Lita sa kaniyang kuwarto ang mga bagong aralin kagabi.
    kuwarto (pinangyarihan), kagabi (panahon)