Study

AP8 REVIEW 3RD QUARTER

  •   0%
  •  0     0     0

  • Ito ay ang paniniwalang lumaganap sa Europa na ang isang hari ay pinili ng kanilang diyos upang mamuno sa kaharian kaya binibigyan ng absolutong kapangyarihan sa kanyang pamumuno.
    Teorya ng Divine Right
  • Magbigay ng 2 mahalagang siyudad sa Panahon ng Renaissance
    Florence, Rome, Venice, Genoa, Milan
  • Pinakatagpuan ruta ng kalakalan sa Asya:
    Hilagang ruta, Gitnang ruta, Tmog Ruta
  • - Siya ang tinaguriang “ama ng humanismo”. Pinagtuunan nya ng pansin ang iniisip at nararamdaman ng mga Roman.
    Francisco Petrach
  • Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon.
    Renaissance
  • Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
    KOLONYALISMO
  • Ito ang ginamit ng mga Greek bilang “scientia” .
    Agham
  • isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat tuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral
    Humanismo
  • Siya ay isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice.
    Marco Polo
  • Ayon kay Aristotle, ang mundo daw ay may apat na elemento.
    Lupa, Tubig, Apoy at Hangin
  • Mga Bansang naging Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya
    • Portugal • Spain • France • Netherlands
  • Siya ang nagpasimula ng Teoryang Heliocentric.
    Nicolaus Copernicus
  • Ang _________ ay ginagamit upang malaman ang oras at latitude.
    Astrolabe
  • Siya ang nagbigay ng katawagan sa mga likas na bagay sa kalawalakan, tinawag niya itong heavenly bodies.
    Aristotle
  • Panahon ng kaliwanagan sa Europe noong ika-18 siglo kung saan nakuha ang ilang mga iskolar ng mga teorya sa Pilosopiya, konsepto ng pamahalaan, demokrasya, at edukasyon sa modernong panahon.
    Age of enlightenment
  • Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng pisikal na daigdig at ang mga pangyayari dito.
    Natural Science
  • Ang __________________ ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay ay “muling pagsilang”.
    Renaissance
  • Ito ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong Hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem sa Israel.
    Krusada
  • Siya ang nalibot ang Cape of Good Hope sa dulo ng Africa
    Vasco de Gama
  • Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya
    Ang krusada, Ang paglalakbay ni Marco Polo, Renaissance, Pagbagsak ng Constantinople, Ang Merkantilismo sa Europa
  • Ito ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado.
    Imperyalismo
  • Sa teoryang ito sinasabi na ang araw ang sentro ng kalawakan at hindi ang mundo.
    Heliocentric theory
  • Siya ay italyanong siyentipiko na naparusahan ng Inquisition dahil sa kanyang pagtanggap ng Teoryang Heliocentric
    Galileo Galilei
  • Ang Teorya ni Ptolemy na nagsasabi na ang mundo ang sentro ng kalawakan
    Geocentric View
  • Siya ang nagsasabi na ang tao ay ay may karapatang mangatwiran, may mataas na moral at mayroong natural na Karapatan ukol sa buhay, Kalayaan at pag-aari.
    John Locke
  • Panahon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala na nagsimula sa kalagitnaan ng ikaw 16-17 siglo.
    REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
  • Magbigay ng 3 bansa sa Timog Asya
    India Maldives Nepal Bhutan Bangladesh Afghanistan Pakistan Sri Lanka
  • Sa panahon ng Rebolusyong Industriyal, si Eli Whitney ay nakaimbento ng ___________ na nakatulong sa produksyon ng mga damit.
    Cotton Gin
  • Magbigay ng 3 bansa sa Kanlurang Asya
    Bahrain Cypeus Iran Iraq Israel Jordan Kuwait Lebanon Oman Qatar Saudi Arabia Syria Turkey Yemen
  • Naputol ang ugnayan ng pangangalakal sa mga Europeo at mga Asyano nang dahil sa pagsakop ng __________ __________ sa ruta ng kalakalan.
    Turkong Muslim