Study

Grade 6 - Filipino

  •   0%
  •  0     0     0

  • Kaukulan ng pangngalan na ginagamit bilang simuno o paksa.
    Palagyo
  • BILUGAN ang mga pananda na ginamit sa pangungusap batay sa uri nito. Kaunti lamang ang dumalo sa piging na inihanda ni Don Mariano. (Pang-uring Pamilang)
    Kaunti
  • Ito ang panghalip na ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng tao.
    Panghalip na Panao
  • Uri ng panghalip na ginagamit na panghalili sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, pook, gawa at pangyayari.
    Panghalip na Pamatlig
  • Panghalip na pamalit sa pangngalan sa paraang patanong.
    Panghalip na Pananong
  • BILUGAN ang mga pananda na ginamit sa pangungusap batay sa uri nito. Ibinigay ni Beth ang kanyang regalo sa kanyang matalik na kaibigan.
    ni / ang
  • Piliin ang pangngalan sa pangungusap batay sa kaukulan nito. Masayang sumasayaw ang mga kabataan sa ibaba. (Palagyo)
    kabataan
  • Bahagi ng pananalita na ginagamit na pamalit o panghalili sa pangngalan.
    Panghalip
  • Piliin ang pangngalan na ginamit sa pangungusap batay sa anyo o kayarian nito. Napakabuti ng kanyang ina-inahan. (Inuulit)
    ina-inahan
  • Ang panghalip na pananong na sino ay kumakatawan sa;
    Tao
  • Piliin ang pangngalan na ginamit sa pangungusap batay sa anyo o kayarian nito. Nasira ang kanyang sapatos matapos tumakbo sa labas. (Payak)
    sapatos
  • Doon muna tayo magpahinga saglit. Ang salitang 'doon' ay halimbawa ng isang panghalip na ______.
    Panghalip na Pamatlig
  • Kaukulan ng pangngalan na nagpapakita ng pagmamay-ari.
    Paari
  • Kaukulan ng panghalip na panaong ginagamit na simuno at kaganapang pansimuno ng pangungusap.
    Palagyo
  • Ang panghalip na pananong na magkano ay kumakatawan sa;
    halaga
  • Ang panghalip na pananong na ano ay kumakatawan sa;
    bagay/pangyayari
  • Piliin ang pangngalan sa pangungusap batay sa kaukulan nito. Ang nakitang saranggola sa bukid ay kay Ken. (Paari)
    Ken
  • Piliin ang pangngalan na ginamit sa pangungusap batay sa anyo o kayarian nito. Tila mga isip-bata ang mga nagtatalo sa palengke kanina. (isip-bata)
    isip-bata
  • Piliin ang pangngalan na ginamit sa pangungusap batay sa anyo o kayarian nito. Ang kanyang kabutihan ay namumukod tangi sa lahat. (Maylapi)
    kabutihan
  • BILUGAN ang mga pananda na ginamit sa pangungusap batay sa uri nito. Ang matataas na kabundukan ang ating nagsisilbing pananggala sa mga bagyo. (Pang-uring Panlarawan)
    matataas
  • May padalang pera ang nanay mo. Heto, tanggapin mo. Ano ang ginamit na panghalip na pamatlig sa pangungusap?
    Heto