Study

REVIEWER 1ST QUARTER GRADE 10

  •   0%
  •  0     0     0

  • TAMA O MALI Ang mga Kastila ang nagpasimula ng kultura sa Pilipinas, bago dumating ang mga mananakop ay walang sariling kultura ang mga Pilipino.
    MALI
  • TAMA O MALI Ang mga katutubong panitikan ay itinuturing na mga karunungang-bayan tulad ng bugtong.
    TAMA
  • TAMA O MALI Ang mga bugtong at palaisipan ay parehong nagpapatalas ng isipan.
    TAMA
  • TAMA O MALI Kung ang bugtong ay nasa anyong tuluyan, ang palaisipan naman ay binubuo ng dalawang taludtod na may sukat at tugma.
    MALI
  • Kaya, aking mahal, sa iyong pagpanaw Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay; Ang ating pagsintang masidhi’t marangal Hindi mamamatay, walang katapusan.
    ROMANTISISMO
  • Si Michael ay isang masipag at masunuring bata. Anim na taon pa lamang siya ay natuto na agadsiyang tumulong sa kaniyang ama’t ina, kahit pa man sa mga maliliit na bagay.
    HUMANISMO
  • TAMA O MALI Sa pamamagitan ng panitikan ay nababatid ang kasaysayan at kalagayan ng isang bansa.
    TAMA
  • TAMA O MALI Letra ang kahulugan ng pinagmulang salita ng panitikan o literatura.
    TAMA
  • TAMA O MALI Ang panitikan ay pag-aangkop ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig.
    TAMA
  • TAMA O MALI Ang epiko ay mula sa mga totoong karanasan ng ating mga ninuno tulad ng isinalaysay sa epikong “Buhay ni Lam-ang”.
    MALI
  • Dahil sa akala ay mahina ka Alaga mo ay di nakikita Bisig mo man sa lakas ay kulang Ngunit sa isip ka biniyayaan
    FEMINISMO
  • TAMA O MALI Ang bulong ay maituturing na tula na mula sa mga katutubong Ita na ginagamit sa panggagamot at pang-eengkanto.
    TAMA
  • TAMA O MALI Sakop ng katutubong panitikan ang panahon ng mga Kastila.
    MALI
  • TAMA O MALI Ang epiko ay tulang pasalaysay sapagkat ito ay nagkukuwento tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.
    TAMA
  • Anong uri ito ng karunungang-bayan? Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob
    Bugtong
  • Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan. Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng opisyales na walang ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng mga tao.
    REALISMO
  • TAMA O MALI Ang halimbawa ng bulong ay “tabi, tabi po, makikiraan po”.
    TAMA
  • TAMA O MALI Ang mga awiting bayan ay binubuo ng mga payak na liriko ngunit may masiglang himig.
    TAMA
  • TAMA O MALI Ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bayan.
    TAMA
  • TAMA O MALI Ang awiting “Atin Ku Pung Singsing” ng mga Kapampangan ay isang awiting bayan.
    TAMA