Study

ORAL QUIZ - GRADE 5

  •   0%
  •  0     0     0

  • Ano ang kahulugan ng salitang kahambal-hambal?
    kaawa-awa
  • Ano-anong gamit ng pangngalan ang nakapaloob sa kaukulang palayon?
    Layon ng Pandiwa at Layon ng Pang-ukol
  • Basahin ang pangungusap at ibigay ang gamit ng panghalip na makikita. Si Donald Trump ay nagpositibo sa COVID-19.
    Simuno/Paksa
  • Hanapin ang lahat ng pangngalan sa pangungusap at tukuyin ang uri nito ayon sa katangian, ayon sa tungkulin at kasarian. Lahat ng mga bote at diyaryo ay ipunin ninyo para sa darating na pista.
    bote - pambalana - tahas - walang kasarian diyaryo - pamabalana - tahas - walang kasarian pista - pambalana - basal - walang kasarian
  • (Ano, Saan, Sino) ang nanalo kagabi sa paligsahan?
    Sino
  • (Sino, Kanino, Ano) ko dapat ibigay ang regalong ito?
    Kanino
  • Piliin ang naiiba sa loob ng panaklong. (pari, tatay, pulis, manong)
    pulis - di-tiyak
  • Alin ang naiiba. (mananahi, modista, magsasaka, pinuno)
    modista - pambabae
  • Magbigay ng limang (5) halimbawa ng panghalip panaklaw.
    gaanuman, lahat, anuman, saanman, alinman, madla
  • (Gaanuman, Sinuman, Kailanman) hinding-hindi kita makakalimutan dahil ikaw ay isang mabuting kaibigan sa akin.
    Kailanman
  • Punan ang patlang ng wastong panghalip na hinihingi sa patlang. _______ ay parehong nabigla sa pagkamatay ni Black Panther.
    kami
  • Ano ang kahulugan ng salitang marikit?
    maganda
  • Piliin ang naiiba. (kurtina, pinto, mansanas, organisasyon)
    organisasyon - lansakan
  • Palitan ng wastong panghalip panao ang mga salitang nasa loob ng panaklong at tukuyin ang panauhan at kailanan nito. (Sina Jacob, Kiko at Jacob) ay namasyal sa Sagada, Baguio at Ifugao.
    Sila - Ikatlong Panauhan - Maramihan
  • Piliin ang tumpak na panghalip. May bubog sa likod mo. Mahg-ingat ka (dito, doon, diyan).
    diyan
  • Ano ang kahulugan ng salitang natatangi?
    naiiba
  • Tukuyin ang gamit ng panghalip na makikita sa pangungusap. Kami ang mga batang naglalakad kagabi sa kalye.
    Kaganapang Pansimuno
  • (Ano, Alin, Sino) ang gusto mong makapareha?
    Sino
  • Hanapin lahat ng panghalip at tukuyin ang uri ng mga ito. Ang sagot sa iyong mga tanong ay maaari mong makuha doon.
    iyo/ng - panao, mo/ng - panao, doon - pamatlig
  • Magbigay ng limang (5) halimbawa ng panghalip pamatlig.
    dito, ito, heto, doon, diyan, iyan, ayan, hayun, ganyan, ganito, hayan, nito, iyon
  • Ano ang kahulugan ng salitang kaltas?
    bawas
  • Magbigay ng tatlong (3) pangngalan na lansakan.
    pangkat, tropa, barkada, buwig, batalyon
  • Ibigay ang lahat ng panghalip na makikita sa pangungusap at tukuyin ang uri ng mga ito. Ano ang pasalubong mo sa akin galing sa China?
    ano - pananong, mo - panao, akin - panao
  • Ibigay ang kaukulan ng panghalip na makikita sa pangungusap. Ang bag niya ay nakabukas.
    Paari