anyong-tubig na nanggagaling sa ilalim ng lupa. Ito ay karaniwang matatagpuan sa mga dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Maaaring mainit o malamig ang tubig dito.
Bukal
Ito ay bahagi ng dagat na halos napaliligiran ng lupa. Ito ay nagsisilbi daungan ng mga barko at iba pang sasakyang pandagat.
Look
Ito ay isang patag na lupa sa mataas na lugar. Ito ay kalimitang nagsisilbing pastulan ng mga baka, kalabaw, at ibang hayop. Maganda rin itong taniman ng mga palay, mais, gulay, at prutas.
Talampas
Ito ay isang pahaba at nakausling lupang halos napaliligiran ng tubig. Ito ay karugtong ng isang malaking kapuluan.
Tangway
Ito ay isang anyong-lupang mataas gaya ng bundok, maaaring magbuga ng gas, malalaking bato, apog, lahar, at kumukulong putik anumang oras na sadyang mapanganib para sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Bulkan
Ito ay isang mahabang anyong-tubig na umaagos mula sa mga batis, sapa, o bukal sa itaas ng bundok o burol patungo sa dagat at sa karagatan.
Ilog
Isang anyong-tubig na napalilibutan ng lupa. Karamihan ay nagsisilbing pangisdaan.
Lawa
Bumabagsak ang tubig nito mula sa isang mataas na dalisdis. Kalimitang nagiging pasyalan ito ng mga turista lalo na sa panahon ng tag-init.
Talon
Ito ay isang anyong-lupang kagaya ng tangway ngunit higit itong mas maliit.
Tangos
Isang mataas na anyong-lupa ngunit mas mababa sa bundok.
Burol
Ito ang pinakamataas na anyong-lupa. Ang pinakapuno nito ay maluwag at nagiging makipot at patulis habang ito ay tumataas.
Bundok
Ito ay isang mababa at patag na lupang matatagpuan sa pagitan ng mga bundok o burol.
Lambak
Ito ay isang malawak na patag ng lupa. Higit na maraming tao ang naninirahan dito.
Kapatagan
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.