Ang nanay ni Junior ay mayroong apat na anak. Ang unang anak ay pinangalanang April. Ang ikalawa naman ay May. Ang ikatlo ay tinawag na si June. Ano ang pangalan ng ikaapat?
Junior
Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC ay naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?
Naglalaro ng chess kasama ni KC
Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong puwesto. Anong pwesto mo na ngayon?
Ikatlo
May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang may 30 araw. Ilan naman ang mayroong 28 araw?
Lahat ng buwan ay may 28 araw
Ano ang makikita mo sa gitna ng dagat?
Titik G
May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa hul
Sa ikatlo dahil kapag di kumain ng tatlong taon ang leon, patay na ito.
Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa walong siglo, pero hindi sa habambuhay?
Titik O
Anong bagay ang hindi naman bote o pitsel, na mayroon ding maraming butas, pero kayang mag-imbak ng tubig?
Ispongha o Sponge
Anong bagay ang ginagawa ng manggagawa pero di niya ginagamit? Na siyang binibili rin ng bumili pero di niya rin gagamitin? Na siyang gagamitin ng gumamit pero di niya nakikita?
Kabaong
Anong bagay ang bibilhin mo ng kulay itim, gagamitin mo ng kulay pula, at itatapon mo na kulay puti?
Uling
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.