Study

Pinoy Quiz 2.0

  •   0%
  •  0     0     0

  • Ito ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas.
    Cebu City
  • Aling salita ang MALI sa pahayag: "Hihintayin kita kahapon sa may parke ngunit hindi ka naman dumating."
    hihintayin
  • Mahina na ang ulan ngunit malakas pa rin ang tagas ng tubig sa bubong. Ano-ano ang magkasalungat na salita sa pahayag?
    mahina - malakas
  • Ibigay ang PANDIWANG TAPOS NA ng pandiwang "magbago".
    nagbago
  • Unawain ang bugtong. "Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat." (C: gulay)
    ampalaya
  • Buuin ang sawikain. " Nasa _________ ang awa, nasa tao ang gawa."
    Diyos
  • Buuin ang diwa ng pangungusap. "___ ako ay gumising, tinawag ako ni Inay."
    Nang
  • Anong softdrink o soda na gawa ng Coca-Cola na mabibili lang sa Pilipinas at tanging sa lamang Visayas ?
    Jaz Cola
  • Ito ay isang nobelang nasa salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin"?
    Noli Me Tangere
  • Unawain ang bugtong. "Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari." (C: insekto)
    paruparo
  • Umawit ng ilang linya ng isang awiting Pilipino.
    (depende sa mag-aaral)
  • Ano ang pangunahing instrumento ng tao upang makipag-ugnayan?
    wika
  • Ano ang tawag sa larong pinoy na nasa larawan?
    palo sebo (greased poles)
  • Ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.
    nobela
  • Ilan ang baybay ng salitang: "nakakapagpabagabag"?
    walo (8)
  • Ito ay isang maikling kwentong may aral na kalimitang hinahango sa Bibliya.
    parabula
  • Magbigay ng isang pangungusap na padamdam.
    (depende sa mag-aaral)
  • Saang kaharian naninirahan ang mga pangunahing tauhan sa Ibong Adarna?
    Berbanya
  • Naku! Ang dilim- dilim dito. Bakit parang may matang mapupula sa may dulo ng lagusan? Anong damdamin ang ipinahahayag sa pangungusap?
    natatakot, takot, natakot
  • Sino ang "Ama ng Balarilang Tagalog"?
    Lope K. Santos