Study

Mga bugtong sa Filipino

  •   0%
  •  0     0     0

  • Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
    ARAW
  • Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan nanggaling.
    Kalapati
  • Tubig kung sa isda, Lungga kung sa daga, Kung sa tao'y ano kaya.
    Bahay
  • Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari.
    Sampayan
  • Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba.
    Bahaghari
  • Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
    Sumbrero
  • Katawan nito’y hinihiwa-hiwa kaya ikaw ay lumuluha. Sagot: Sibuyas
    Sibuyas
  • Dalawang balon, hindi malingon.
    Tenga
  • Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo.
    Watawat
  • Pag-aari mo, dala-dala mo, datapuwa't madalas gamitin ng iba kaysa iyo.
    Pangalan
  • Ang agos na tuloy-tuloy, kung mabato’y huwag kang lalangoy.
    Ilog
  • Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing
    Kampana o Batingaw
  • Pritong saging sa kalan Lumutong pagkat dinamitan
    Turon
  • May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
    Sandok
  • Dalawang magkapatid, Sa pagdarasal ay namimitig.
    Tuhod
  • Dalawang magkaibigan, habulan nang habulan.
    Paa
  • Dalawang bolang sinulid abot hanggang langit.
    Mata
  • Heto, heto na, di mo nakikita.
    Hangin
  • Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
    Kandila
  • Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
    Gamu-gamo
  • Araw araw bagong buhay, Taun-taon namamatay.
    Kalendaryo