Study

Salawikain

  •   0%
  •  0     0     0

  • Pili nang pili Natapatan ay bungi
    papalit-palit ng isip ay sa pangit o bulok natatapat
  • Walang pagod sa pagtipon Walang sayang sa pagtapon
    Ang taong hindi naghirap sa pagtitipon ng pera ay walang panghihinayang sa pag-ubos nito
  • Ang kasipaga'y kapatid ng kayamanan Ang katamara'y kapatid ng kahirapan
    Uunlad ang buhay ng tao kung siya'y magsisipag. Mananatiling mahirap ang tamad.
  • Kung ano ang itinanim siyang aanihin
    Kung ano ang ginawa mo sa ibang tao ay siya ring gagawin sa iyo
  • Huwag magbilang ng sisiw Hangga't hindi napipisa ang itlog.
    Huwag ipagsabi na mayroon ka na ng isang bagay hangga't hindi mo ito hawak
  • Magtiis mamaluktot Kapag maikli ang kumot
    Matutong magtiis sa kahirapan
  • May tainga ang lupa May pakpak ang balita
    Walang lihim na naitatago
  • Sa panahon ng kagipitan Nakikilala ang kaibigan
    Ang tunay na kaibigan ay mananatili sa tabi mo sa panahong may problema ka