Ito’y isang mahabang uri ng piksyon na madalas ay nakasulat sa paraan ng prosa.
NOBELA
Sino ang mayamang kaibigan ni Mathilde ang iminungkahi ni G. Loisel na hiraman nito ng ilang hiyas?
FORESTIER
Ayon kay Bernales (2009), ang diskursong ito ay naktuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat ng mambabasa o tagapakinig, ano ito?
PANGHIHIKAYAT
Sa anong uri ng maikling kuwento nakapaloob ang akdang Mathilde?
KWENTO NG TAUHAN
Ito’y isang agham o pag-aaral ng mito/myth at alamat.
MITOLOHIYA
Kailan nakilala ang genre ng nobela sa Pilipinas?
PANAHON NG KASTILA
Ito ang elemento ng nobela na tumutukoy sa paksang-diwa.
KAISIPAN/ ARAL
Ang pokus ng pandiwa kung ang tao o bagay na nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap.
TAGATANGGAP O PINAGLALAANAN
Mula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay.
EPOS
Nakapasok na ang mga mag-aaral sa paaralan _______kanselahin ang klase. Alin ang angkop na pang-ugnay para sa pangungusap?
NANG
Ito ay isang reperensya na kalimitan ay panghalili na tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.
ANAPORA
. Ito ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na ang mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.
PARABULA
Ang tawag sa kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa na gumaganap bilang paksa o simuno ng pangungusap.
KAGAMITAN/ INSTRUMENTAL
Anong uri ng alahas ang naiwala ni Mathilde na hiniram nito sa kanyang ma-yamang kaibigang si Foreister, nang siya’y dumalo sa isang maringal na pag-titipon?
KUWINTAS
Tauhan sa kuwento na kung saan hindi nagbabago ang pagkatao mula sa simula hanggang katapusan.
TAUHANG BILOG
Sa sanaysay ni Machiavelli na Ang Prinsipe, sino ang tinutukoy na prinsipe?
PINUNO
Isang halimbawa ng epiko sa Pilipinas ay ang Ibalon ng _____.
BIKOL/ BICOL
Paksa ng mga epiko
KABAYANIHAN
Ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa. Sinasagot nito ang tanong na Sino.
TAGAGANAP/ AKTOR
Ang tinaguriang Ama ng maikling kuwento
EDGAR ALLAN POE
Isang akdang pampanitikan likha ng guniguni at bunga-isip na hango sa tunay na pangyayari sa buhay.
MAIKLING KWENTO
Elemento ng sanaysay na batay sa pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari.
ANYO AT ISTRUKTURA
Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa
EPIKO
Your experience on this site will be improved by allowing cookies.