Ang makataong pagkilos ay kasingkahulugan ng kilos na may pagkukusa. BAKIT?
Sapagkat ang una ay bunga ng kalooban na may kalayaan at kaalaman.
5
IBIGAY ANG 6 NA URI O ANTAS NG PAGKUKUSA SA MAKATAONG KILOS
Ganap, Hindi Ganap, Kondisyonal, Payak, Tuwiran at Di-tuwirang Pagkukusa
5
Ganap na Pagkukusa (Perfect Voluntariness)
Ang taong nagsasagawa nito ay may lubos na kaalaman at nagkukusa sa kilos na isasagawa.
5
Hindi Ganap na Pagkukusa (Imperfect Voluntariness)
Ang taong nagsasagawa nito ay hindi lubos na nauunawaan ang kalikasan ng kanyang kilos.
5
Kondisyonal na Pagkukusa (Conditional Voluntariness)
Ito ay nasa tao kung kanyang isinasagawa ang kilos dahil siya ay napilitan o nagipit ng di-mapanghawakang pagkakataon.
5
Payak na Pagkukusa (Simple Voluntariness)
Ito ay isinasagawa ng tao nang hindi isinasaalang-alang kung ang kilos ay naaayon sa kanyang kagustuhan.
5
Tuwirang Pagkukusa (Direct Voluntariness)
Ito ay nais maabot ng tao bilang layon o bilang paraan upang makamit ang iba pang hangarin.
5
Di-tuwirang Pagkukusa (Indirect Voluntariness)
Ito ay bunga ng kilos na tuwirang ninanais ngunit epekto nito ay hindi ninais ng nagsasagawa ng aksiyon.
5
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA MAKATAONG KILOS
Kamangmangan; Masidhing damdamin / Matinding pag-asam; Takot o Pangamba; Karahasan; Gawi o Kinaugalian
5
Ano ang PANANAGUTAN?
Ito ay nangangahulugang responsibilidad, tungkulin o obligasyon.
5
KAMANGMANGAN
Ang kamangmangan ay ang kawalan ng kaalaman ng tao sa isang bagay, pangyayari, impormasyon, o batas.
5
MASIDHING DAMDAMIN / MATINDING PAG-ASAM
Ang matinding pag-asam ay ang pagnanais na makamit ang isang mithiin sa anumang kaparaanan. Minsan, ito ang naghahatid sa tao na makagawa ng masama.
5
TAKOT O PANGAMBA
Ito ay ang pagkabagabag ng isipan ng isang taong humaharap sa isang nagbabantang panganib o pinsala sa sarili o sa kanyang mga minamahal.
5
Kilos na ginawa dahil sa takot
tumutukoy sa mga kilos na ginawa dahil ang tao ay nakararanas ng takot na siyang nagbubunsod na gawin ang kilos na hindi niya gagawin sa karaniwang sitwasyon.
5
Kilos na ginawa nang may takot
kilos na mayroong buong kaalaman at kalayaan, isang ginustong-gawa
5
KARAHASAN
Tumutukoy sa anumang pisikal na puwersa na ginamit ng isang tao upang pilitin o takutin ang isa pang tao na kumilos laban sa kanyang kalooban.