Edit Game
Salitang Naglalarawan sa Panahon at Pinangyariha ...
 Delete

Use commas to add multiple tags

 Private  Unlisted  Public



 Save

Delimiter between question and answer:

Tips:

  • No column headers.
  • Each line maps to a question.
  • If the delimiter is used in a question, the question should be surrounded by double quotes: "My, question","My, answer"
  • The first answer in the multiple choice question must be the correct answer.






 Save   20  Close
Noong nakarang linggo, nakulong ang aming kapitbahay dahil sa pagtatapon ng basura sa kanal.
nakaraang linggo (panahon), kanal (pinangyarihan)
Minu-minuto, nagpapaalala ang aming guro na bawal mag-ingay sa silid-aklatan.
minu-minuto (panahon), silid-aklatan (pinangyarihan)
Ang aking tatay ay pumapasok sa opisina araw-araw.
opisina (pinangyarihan), araw-araw (panahon)
Si Kuya Cardo ay namimili sa palengke tuwing Sabado.
palengke (pinangyarihan), Sabado (panahon)
Kanina, kinuha ni nanay ang aking selpon sa kabinet upang makapag-aral ako nang mabuti.
kanina (panahon), sa kabinet (pinangyarihan)
Ngayon sana kami magkikita ng aking matalik na kaibigan sa parke ngunit bigla na lamang siyang nagkasakit.
ngayon (panahon), parke (pinangyarihan)
Dumating kagabi sa aming tahanan ang aking amang sundalo.
kagabi (panahon), tahanan (pinangyarihan)
Noon ay palagi kaming naglalaro nina nanay at tatay sa palaruan.
noon (panahon), palaruan (pinangyarihan)
Noong umaga, dinala sa klinik ang mag-aaral na nahilo habang naglalaro.
noong umaga (panahon), klinik (pinangyarihan)
Tuwing nagluluto si nanay sa kusina, ang mahalimuyak nitong bango ay abot hanggang kinabukasan.
kusina (pinangyarihan), kinabukasan (panahon)
Si Tatay Armando ay nag-aararo sa bukid tuwing tag-ulan.
sa bukid (pinangyarihan), tag-ulan (panahon)
Binasa ni Lita sa kaniyang kuwarto ang mga bagong aralin kagabi.
kuwarto (pinangyarihan), kagabi (panahon)
Manonood kami ng sine sa mall ngayong darating na Linggo.
mall (pinangyarihan), ngayong darating na Linggo (panahon)
Araw-araw siyang nakikinig ng radyo sa tabi ng sapa.
araw-araw (panahon), sapa (pinangyarihan)
Aalis maya-maya ang bus sa Pasay na papuntang Bikol.
maya-maya (panahon), Pasay (pinangyarihan)
Lumangoy sila sa malaking lawa tuwing gabi.
lawa (pinangyarihan), gabi (panahon)
Araw-araw kaming tumawid sa lumang tulay.
araw-araw (panahon), sa lumang tulay (pinangyarihan)
Kanina, nakita ko si Pedro na pumasok sa silid-aklatan upang mag-aral.
kanina (panahon), sa silid-aklatan (pinangyarihan)
Inilagay ko sa loob ng aparador ang mga pagkaing de-lata kahapon.
sa loob ng aparador (pinangyarihan), kahapon (panahon)
Gabi-gabing nag-eensayo ng tinikling ang pangkat ni Raven sa entablado.
gabi-gabi (panahon), sa entablado (pinangyarihan)