Edit Game
Review 1
 Delete

Use commas to add multiple tags

 Private  Unlisted  Public



 Save

Delimiter between question and answer:

Tips:

  • No column headers.
  • Each line maps to a question.
  • If the delimiter is used in a question, the question should be surrounded by double quotes: "My, question","My, answer"
  • The first answer in the multiple choice question must be the correct answer.






 Save   26  Close
Ang alaga kong aso ay mabalahibo. Anong salita ang naglalarawan sa aso?
mabalahibo
Ano ang bahagi ng pananalitang naglalarawan ng kulay, hugis, katangian o pisikal na kaanyuan ng isang tao, bagay, hayop, at lugar?
pang-uri
______________ ang masipag mag-aral? Anong panghalip na pananong ang angkop ipuno sa patlang?
Sino
_____________ pagkain ang mabisang pangtanggal ng sakit ng ulo kagaya ng migraine?
Anong
_________ ang nagagawa ng magnesium sa ating utak? Ano ang wastong tanong ang dapat na ipuno sa patlang?
Ano
_______________ mabibili ang kamote? Ano ang angkop na tanong ang dapat na ipuno sa patlang?
Saan
Magiliw na sinalubong ni Mohammad ang kaniyang ama mula sa trabaho. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit?
Masungit
Ano ang bagong salitang mabubuo sa salitang-ugat na alam kapag dinagdagan ng panlapi na ka- at -an?
kaalaman
Payak lamang ang pamumuhay ng pamilya ni Ruben. Ano ang kasingkahulugan ng may salungguhit na salita?
Simple
Sadyang _______ang mga magulang na may responsableng anak. Ano ang angkop na pang-uri upang mabuo ang pangungusap?
mapalad
Para sa ________ na matiyagang pumila ang mga regalong binalot ko. Ano ang angkop na ipunong pang-uri sa patlang?
mahihirap
Manamis-namis ang _________ng gatas mula sa mga baka. Ano ang angkop na gamiting pang-abay sa patlang?
sariwa
Nagulat si Mang Macky nang makita sa _________ ang presyo ng sibuyas. Ano ang angkop na pang-abay na panlunan ang wastong ipuno sa patlang?
palengke
Hugasan nang ___________ang mga kamay at paa pagkatapos maglaro. Alin sa mga salita ang angkop gamitin bilang pang-abay na pamaraan?
mabuti
Pumunta ako sa palengke dahil __________ko ng face shield ang kuya ko. Alin ang angkop na pandiwang nasa pokus tagaganap ang dapat mong ipuno sa patlang?
binilihan
Pagkatapos ng trabaho ni Marky sa maghapon, __________ niya ang responsibilidad sa kaniyang inang maysakit. Ano ang ipupuno mong pandiwa sa patlang?
ginagampanan
Nangako ang nanay na________ ako ng bagong laruan sa mall mamaya. Ano ang angkop na pandiwa ang dapat ipuno sa pangungusap?
bibilihan
“Nagtanim si Gia kaninang umaga ng mabubulaklak na halaman, palibot sa ________,” masayang pahayag ni Mang Bert sa kaibigan. Alin ang angkop na pokus sa ganapan ang dapat ipuno sa patlang?
bakuran
Natapos ko agad ang aking mga takdang-aralin. Ako na ang nag-imis ng aming pinagkainan para makapagpahinga naman si Ina. Natulog ako pagkatapos kong maghilamos, gusto ko kasing maagang pumasok sa paaralan bukas. Ano ang paksa ng talata?
responsableng anak at mag-aaral
Binuksan ko ang takip ng ulam sa ibabaw ng mesa. Laking-tuwa ko nang makitang adobo ang nakahaing ulam. Madalas kasing itlog, de-latang sardinas ang lagi naming pinagsasaluhang mag-anak. Ano ang paksa ng talata?
Ang masarap na ulam.
Harurot ang pagpapatakbo ng drayber sa bus. Nagsisigawan na ang mga sakay dahil sa takot. Ano ang katangian ng drayber?
kaskasero
Bata pa’y tinuruan nang magligpit ng mga laruan si Geri ng kaniyang ina, kaya pagkatapos niyang maglaro ay inilalagay niya ang mga laruan sa isang kahon. Ano ang katangian ni Geri?
masinop
Tradisyon ng mga maninimbang Pilipino ang bumili ng ________ Sampaguita upang isabit sa mga santong imahen sa kani-kanilang tahanan. Ano ang ang angkop na gamiting pag-uri sa patlang?
sariwang
Dinudulog lagi ni Mary ang kaniyang mga alalahanin sa Maykapal. Tuwing alas-sais ng hapon, siya’y ______ na nagdadasal. Alin sa mga pagpipilian ang angkop na gamiting pang-uri sa patlang?
mataimtim
Madaling umiyak si Jake sapagkat siya ay __________ kaya hindi siya nakikipagtuksuhan sa mga kalaro. Ano ang angkop na gamiting pang-uri sa pangungusap?
balat-sibuyas
Ang _________ ng mga kaganapan sa reunion ng aming pamilya. Ano ang angkop na gamiting pang-uri sa pangungusap?
saya-saya