Edit Game
AP 6 FINAL REVIEW 2026
 Delete

Use commas to add multiple tags

 Private  Unlisted  Public



 Save

Delimiter between question and answer:

Tips:

  • No column headers.
  • Each line maps to a question.
  • If the delimiter is used in a question, the question should be surrounded by double quotes: "My, question","My, answer"
  • The first answer in the multiple choice question must be the correct answer.






 Save   20  Close
Kailan itinatag ang Partido Komunista ng Pilipinas (CPP)?
1968
Ano ang pangunahing layunin ng mga makakaliwang pangkat sa kanilang pagnanais ng rebolusyonaryong pagbabago?
Makamit ang katarungan at pagkakapantay-pantay.
Kung ang isang magsasaka ay nawalan ng lupa at nakaranas ng kawalan ng katarungan, sa anong aspeto ng pagsilang ng makakaliwang pangkat ito maiuugnay?
Mga dahilan sa likod ng pagsilang
Ano ang ugnayan ng New People’s Army (NPA) sa Partido Komunista ng Pilipinas (CPP)?
Ang NPA ay ang sandatahang hukbong bayan na nagsasagawa ng digmaang bayan para sa CPP.
Paano nakatutulong ang National Democratic Front (NDF) sa layunin ng mga makakaliwang pangkat?
Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga alyansa na kumakatawan sa iba't ibang sektor tulad ng magsasaka at manggagawa.
Anong nangyare noong Agosto 21, 1971?
Pambobomba sa Plaza Miranda
Bakit maraming tao ang nasa Plaza Miranda noong gabi ng trahedya?
Upang makinig sa miting de avance at mga speech ng mga kandidato ng Liberal Party.
Anong pangyayari noong Pebrero 1986 ang nagresulta sa pag-alis ni Marcos sa kapangyarihan?
EDSA People Power Revolution
Bakit mahalaga ang paglipat ni Marcos sa Hawaii noong Pebrero 1986?
Dahil ito ang nagpatunay na nagwakas na ang kanyang pamamahala at ang Batas Militar
Siya ang naging simbolo ng bagong pamunuan matapos ang EDSA Revolution.
Corazon Aquino
Ilang katao ang tinatayang nakulong sa panahon ng Batas Militar ayon sa mga ulat?
Mahigit 70,000
Bakit naging laganap ang korapsyon noong panahon ng Batas Militar?
Dahil sa pagpapalawak ng poder ng pamahalaan na naging daan upang pagsamantalahan ng ilang opisyal ang pera ng bayan
Sa bisa ng anong proklamasyon ipinawalang-bisa ang Batas Militar noong 1981?
Proklamasyon Blg. 2045
Ano ang ibig sabihin ng pagpapawalang-bisa sa Batas Militar noong Enero 17, 1981?
Pormal nang tinapos ang panuntunan ng Batas Militar sa bansa.
Ayon sa Proklamasyon Blg. 2045, ano ang magiging tungkulin ng militar pagkatapos ng Batas Militar?
Magpapatuloy sa pangangalaga at pagpigil sa krimen, insureksiyon, at rebelyon sa ilang lugar.
Bakit itinuturing na "Pagsilang ng Bagong Republika" ang kaganapan noong 1981?
Dahil ito ang transisyon mula sa mahabang panahon ng Batas Militar tungo sa normalisasyon ng pamahalaan.
ano ang isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas?
Pagbagsak ng ekonomiya ng mga bansang konektado sa atin.
Bakit apektado ang Pilipinas kapag bumagsak ang ekonomiya ng Saudi Arabia?
Dahil isa ang Saudi Arabia sa may pinakamaraming Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ano ang ugnayan ng unemployment at pagbagsak ng ekonomiya?
Ang unemployment ay isa sa mga epekto at palatandaan ng pagbagsak ng ekonomiya
Ang utang ng bansa ay nagreresulta sa pag-unlad at pagdami ng yaman ng mga mahihirap. TAMA o MALI
MALI