Edit Game
Fil 3- Pagbabalik-aral (Q2)
 Delete

Use commas to add multiple tags

 Private  Unlisted  Public



 Save

Delimiter between question and answer:

Tips:

  • No column headers.
  • Each line maps to a question.
  • If the delimiter is used in a question, the question should be surrounded by double quotes: "My, question","My, answer"
  • The first answer in the multiple choice question must be the correct answer.






 Save   20  Close
Si Pedro ay isang batang batugan at hindi maaasahan sa anumang gawain na ipinagkatiwala sa kanya. Ano ang kahulugan ng salitang "batugan" sa pangungusap? A. tamad B. masipag C. masunurin
tamad
Nag-aral nang mabuti si Mat bago ang itinikdang markahang pagsusulit. Ano ang magiging wakas nito? A. Si Mat ay nakapasa sa pagsusulit. B. Si Mat ay walang gana na mag-aral. C. Si Mat ay napagalitan ng kanyang magulang.
Si Mat ay nakapasa sa pagsusulit
Ano ang salitang-ugat ng "pinag-aaralan"?
aral
Ang aking nakababatang kapatid ay may alagang kuting. Ano ang kasintunog ng salitang "kuting"? A. gunting B. keso C. pantal
gunting
Ako ay (sakay) __________ ng dyip tuwing papasok sa eskwela. A. sinakay B. sumakay C. sumasakay
sumasakay
Buuin ang pangungusap: Ikaw ba ay marunong (sulat) __________ ng isang talata? A. sulatin B. sumulat C. magsusulat
sumulat
Buuin ang pangungusap: Masayang (laro) __________ ang mag-aaral sa loob ng kanilang silid-aralan. A. naglalaro B. nilaro C. maglalaro
naglalaro
Bago kami umuwi, naglilinis muna kami ng aming silid-aralan gamit ang walis at pandakot. Ano ang kasintunog ng salitang "walis"? A. lapis B. walo C. susi
lapis
Aling pares ng salita ang HINDI magkatugma? A. lapis - ipis B. gulay - kulay C. araw - buwan
araw - buwan
Aling pares ng salita ang magkatugma? A. ngipin - lampin B. puso - pisa C. sawa - ahas
ngipin - lampin
Aling pares ng salita ang magkatugma? A. ilaw - iyak B. pagong - gulong C. kama - anak
pagong - gulong
Alin sa mga grupo ng bagong salita ang nabuo mula sa salitang-ugat na "aral"? A. amin, relo B. alin, baril C. aralin, pag-aaral
aralin, pag-aaral
Alin sa mga grupo ng bagong salita ang nabuo mula sa salitang-ugat na "kain"? A. kumain, kakain B. kantina, kurtina C. kamatis, kutsilyo
kumain, kakain
Ano ang salitang-ugat ng "pagmamahalan"?
mahal
Ano ang salitang-ugat ng "kaguluhan"?
gulo
Si Maris ang tinuturing pinakamarikit sa lahat ng babae sa aming silid-aralan. Ano ang kasingkahulugan ng "marikit"? A. pangit B. maganda C. sikat
maganda
Isang dukha ang turing sa mga nagpupulot ng mga basura sa kalsada. Ano ang kasingkahulugan ng "dukha"? A. Makinis B. mayaman C. mahirap
mahirap
Mabilis tumakbo ang aso. Ano ang kasingkahulugan ng "mabilis"? A. matulin B. makupad C. mabagal
matulin
Si Juan ay mahilig magbasa ng mga kuwento kaysa maglaro ng online games. Ano ang maaaring maging wakas nito? A. Aantukin siya sa mga babasahin. B. Marami siyang matutuhan. C. Wala siyang magiging kaibigan.
Marami siyang matutuhan.
Kumidlat nang matalim. Kumulog nang malakas. Umihip ang malakas na hangin. Bumuhos ang malakas na ulan. Ano ang magiging wakas nito? A. Maliligo sa ulan. B. Hindi lalabas sa bahay. C. Masama ang panahon at may paparating na bagyo.
Masama ang panahon at may paparating na bagyo.